Inalmahan ng mga eksperto mula sa University of the Philippines ang pagpapatupad ng “one seat apart” policy sa mga pampublikong transportasyon.
Paliwanag ni Dr. Guido David ng OCTA research group, anomang uri ng pagbawas sa physical distancing ay delikado para sa publiko.
May risk pa rin aniya ito kung saan posibleng magresulta ng hawaan lalo na sa mga lugar na mataas pa rin ang bilang ng kaso ng COVID-19.
Giit ni David, kahit pa naka face mask at face shield na ang mga tao, kapag nagkaroon na ng overcrowding sa mga pampublikong transportasyon ay magiging mataas pa rin ang risk nito sa community transmission lalo na kung may potensyal na “super spreader”.
Bata sa utos ng Department of Transportation, maaari nang ipatupad ang one-seat-apart policy sa mga public transportation basta’t mayroong plastic barrier na naghahati sa mga ito.