Desidido si Senador Antonio Trillanes na itulak ang plano niyang one stop shop government center sa Pilipinas.
Ayon kay Trillanes, maaaring mag-develop ang pamahalaan ng isang modernong syudad kung saan ililipat ang mga government offices at mabawasan ang siksikan sa Metro Manila.
Maaari anyang lumikha ng modernong government district na puwedeng ipagmalaki sa buong mundo sa Clark o kaya ay sa Fort Magsaysay sa Laur Nueva Ecija na lupain ay pag-aari ng pamahalaan.
“Paplanuhin natin ang isang modern city na maganda yung mga daan, transport system, drainage system, maganda yung zoning, parang one stop shop siya, nandun na yung Kongreso, Senado yung mga iba’t ibang departments so kung may kailangan ka sa gobyerno, nandun na lahat.” Paliwanag ni Trillanes.
By Len Aguirre | Ratsada Balita