Iminungkahi ni Surigao Del Sur Representative Johnny Pimentel ang pagbuo ng one-stop shops sa mga Filipinong nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Ayon kay Pimentel, sa one stop shop na ito, madaling makukuha ng mga manggagawang naapektuhan ang hanapbuhay ang kanilang separation insurance at makapaghanap muli ng mga bagong oportunidad.
Ani Pimentel, hindi kasi maisasantabi ang posibilidad na mas dumami pa ang mawawalan ng trabaho dahil sa patuloy na krisis na nararanasan hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Posible aniyang maapektuhan na rin ang hanapbuhay partikular ng mga manggagawa ng bangko at turismo.