Binuksan na ng Department of heaLth sa Bangsamoro Region ang one-stop shop para sa covid-19 vaccination at routine immunization.
Ayon sa DOH, dahil sa pagbubukas ng one-stop-shop ay mas maraming tao na sa rehiyon ang magkakaroon ng mas madaling access sa vaccination at routine immunization upang maprotektahan ang mga komunidad.
Magugunitang naitala sa BARMM Ang mababang covid-19 inoculation rates dahilan upang magkasa ang gobyerno ng special vaccination days sa rehiyon noong Mayo.
Sa datos ng DOH, nasa 1,844,370 doses lamang ang binakunahan sa BARMM.
Bukod sa covid-19 vaccination at routine immunization, nag-aalok din ang one-stop shop site ng mga serbisyong gaya ng animal bite treatment centers.