Nagpatupad ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng one-strike policy para sa mga police commanders na mahuhuli ang mga tauhan na gumagamit ng kanilang mga baril sa pagsalubong sa bagong taon.
Sinabi ni NCRPO Director Maj. Gen. Jonnel Estomo na ipatatanggal nila ang mga station commander sakaling may maaresto sa kanilang mga tauhan dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril.
Sinabi ito ni Estomo sa seremonyal na pagsira sa mga nakumpiskang ipinagbabawal na paputok at mga produktong pyrotechnic na nasa 700,000 pesos ang halaga sa camp bagong diwa sa taguig city kahapon.
Sa oras na umabot sa tatlong pulis ang mahuli, ay tatanggalin sa posisyon ang district director.
Nagbabala rin si Estomo na ang mga pulis na walang habas na nagpaputok ng kanilang mga baril ay mahaharap sa pagkakatanggal sa serbisyo. – sa panunulat ni Hannah Oledan