Nagbabala ang Philippine National Police o PNP kaugnay sa muling pagpapairal ng one strike policy sa mga lugar na magtatala ng insidente ng ligaw na bala o indiscriminate firing.
Ayon sa pamunuan ng PNP, kaagad matatanggal sa puwesto ang mga hepe ng pulisya at unit commanders na mabibigong maresolba ang mga kaso ng stray bullets sa loob ng 24 oras.
Layon ng hakbangin na mahigpit na mabantayan ng mga awtoridad ang kanilang area of responsibility at maiwasan ang mga kaso ng indiscriminate firing na kadalasang nagre resulta sa pagkasugat o pagkamatay ng mga biktima.
Ipinabatid ni Senior Superintendent Rudolph Dinas, hepe ng PNP Directorate for Operations na 22 insidente ng ligaw na bala ang naitala mula December 16, 2016 hanggang January 4, 2017 na ikinasawi ng isa katao.
—-