Ipinatitigil na ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang one-strike policy sa mga hepe ng pulis na may mga tauhang masasangkot sa anomalya o katiwalian.
Ayon kay Albayalde, hindi na otomatikong masisibak sa pwesto ang mga police commander dahil lang sa pagkakamali ng kani-kanilang mga tauhan.
Hindi aniya makatuwirang matanggal sa trabaho ang isang maayos at matinong commander dahil lamang sa isang pagkakamali sa kanyang command.
Sinabi ni Albayalde, gagamiting batayan sa pagtatanggal o pananatili sa pwesto ng isang police commander ang isasagawang evaluation ng PNP oversight committee sa overall performance nito.
Dagdag ni Albayalde, sa ngayon at natapos na ng oversight committee ang evaluation ng mga police regional official at isisunod na ang provincial level pababa hanggang sa city at municipal level commanders.
(Ulat ni Jaymark Dagala)