Magkakasa ng ‘one-time big-time’ operation ang mga otoridad laban sa mga lalabag sa batas trapiko lalo na ang overloading at overspeeding ngayong araw, Nobyembre 22.
Layon ng hakbang, ayon sa Land Transportation Office (LTO), na maiwasan ang pagdami ng mga aksidente sa kalsada.
Bukod dito, sinabi ng LTO na ang nasabing hakbang ay pagtugon din sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte sa cabinet meeting nuong Nobyembre 4 sa istriktong ipatupad ang mga batas trapiko.
Katuwang ng LTO sa operasyon ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), Department of Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), North Luzon Expressway (NLEx), at South Luzon Expressway (SLEx).