Umarangkada na ang ‘one-time-bigtime’ crackdown ng Land Transportation Office (LTO) laban sa mga lumalabag sa mga batas trapiko.
Partikular sa target ng pinagsamang puwersa ng mga tauhan ng LTO, PNP-Highway Patrol Group, Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), SLEX at NLEX ang mga overloading at over speeding na mga sasakyan.
Ayon sa LTO, layunin nitong maiwasan ang anumang aksidente sa kalye dahil sa ilang mga pasaway na motoristang lumalabag sa batas trapiko.
Ilan naman sa mga nasampulan ng LTO ang dalawang pulis at isang tauhan ng BJMP sa Maynila na sinita dahil sa pagsakay sa motorsiklo nang walang helmet.