Ipatutupad na ng Manila Water simula ngayong araw, Abril 1 ang one-time bill waiver program sa kanilang mga customers.
Sa nasabing program, hindi na sisingilin at ibabawas sa water bill ngayong Abril ang unang 10 cubic meters na nakonsumo ng lahat ng costumers ng Manila Water noong Marso.
Habang hindi na pagbabayarin pa ng kanilang na konsumo ang mga customers ng Manila Water sa mga lugar na kanilang tinukoy na lubhang naapektuhan ng krisis sa tubig noong nakaraang buwan.
Ayon sa Manila Water, ito ang mga barangay na 24 oras na walang suplay ng tubigs sa loob ng apat na araw o higit pa mula Marso 6 hanggang 31.
Kabilang sa mga barangay na ito ang Addition Hills, Barangka Drive, Plainview, Highway Hills at Hulo sa Mandaluyong; Kapitolyo, Bagong Ilog at Oranbo sa Pasig; Upper Bicutan sa Taguig at Mambog sa Binangonan, Rizal.
Nilinaw naman ng Manila Water na hindi maaaring gamitin ang full waiver sa mga naunang hindi pa nababayarang bill ng kanilang mga customers.