Nakatakda ng ipatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang One-Truck Lane Policy sa C2 Road, sa Maynila.
Ito, ayon kay M.M.D.A. General Manager Jojo Garcia, ay upang mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko at maiwasan ang truck-related accident sa naturang kalsada.
Papayagan lamang anya ang mga truck na dumaraan sa C2 road na gumamit ng isang lane mula Andalucia hanggang Nagtahan Road pabalik.
Sa ilalim ng One-Truck Lane Policy, daraan sa ikatlong lane ng C2 ang mga cargo truck na tumitimbang ng apat at kalahating tonelada.
Batay sa annual daily traffic noong isang taon ng M.M.D.A., halos 7,000 truck at trailer truck ang dumaraan sa C2 road.