Isinusulong ni Congressman Edgar May Sarmiento na gawing one way all the way ang ruta ng mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Kabilang dito ang EDSA, C5 at Roxas Boulevard bilang tugon sa lumalalang problema sa trapiko.
Sinabi ni Sarmiento na posibleng lumala pa ang problema sa trapiko sa Metro Manila dahil sa mga nakalinyang proyekto sa ilalim ng Build Build Build Program ng administrasyon.
Ayon kay Sarmiento, Vice Chair ng House Committee on Transportation, hindi proportion ang imprastruktura sa Metro Manila sa bilang ng populasyon nito.
Ang populasyon lamang aniya sa NCR noong ginawa ang EDSA noong 1940 ay aabot lamang sa 1.7 million taliwas ngayon na nasa humigit kumulang 13 milyon na.
Inihayag ni Sarmiento na dahil hindi mapapalapad ang EDSA, maaari itong gawing southbound superhighway mula Caloocan haggang Pasay habang may bi-directional service roads sa magkabilang panig para sa bus rapid transit system.
—-