Iminungkahi ng grupo ng mga inhenyero sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na gawing one way ang traffic scheme sa EDSA upang solusyunan ang problema sa trapiko.
Ayon kay Fernando Guevarra ng GPI Engineers Inc., nakikita nilang mas magiging epektibong solusyon kung gagawing pa-southbound lang ang EDSA habang Northbound lang ang C-5 Road.
Higit isang taong pagaaral umano ang kanilang ginawa sa naturang panukala kung saan magiging 40 kilometro kada oras ang average na byahe sa EDSA.
Ito’y mas mabilis kumpara sa kasalukuyang 19 na kilometro kada oras.
Bukod dito, kabilang din sa kanilang mungkahi ang paglalagay ng karagdagang bus stop at pagpapabuti sa bus system at paggamit ng mga radial at arterial road.
Sinabi ni Gueverra na noong 2015 pa nila ipinanukala ang scheme sa gobyerno.