Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na ipinanukala na gawing ‘one-way’ ang traffic scheme sa EDSA.
Ito’y ayon kay Bert Suansing, tagapagsalita ng Toll Regulatory Board (TRB), dahil mula pa noong pumutok ang bigat ng daloy ng trapiko sa EDSA ay lumutang na ang kaparehong suhestiyon.
Yang panukala na ‘yan, yang suggestion na yan, matagal na yan, meron nang nagsuggest diyan noong una, noong mga 2013, 2014,” ani Suansing.
Binigyang pansin naman aniya ito ng mga kinauukulan at nagsagawa ng simulation upang malaman kung epektibo ba sakaling ipatupad ang panukala.
Gayunman, naging negatibo naman ani Suansing ang naging resulta.
Sa halip na kaginhawahan ay mas magdudulot pa aniya ito ng pagkaabala at sagabal sa mga maraming motorista at mga mananakay.
Magmula pa noong pumutok ang traffic sa EDSA ay pinag-usapan na ‘yan at binigyang pansin din naman. Dinaan sa simulation kung ano ang pwedeng mangyari kung sakaling gawin yan, at lumlabas kasi , negatibo, e, magiging inconvenient pa sa maraming motorista kung gagawin yang ganyang plano,” paliwanag ni Suansing.
Tinukoy naman ni Suansing ang pagkakaroon ng elevated roadways bilang pangunahing solusyon sa usad-pagong na traffic sa EDSA, ngunit magdudulot din naman aniya ito ng traffic congestion habang ginagawa ang mga ito.
Suansing sa mungkahing ‘one-way’ scheme sa EDSA, C5: Well, that’s the ultimate solution, elevated roadway. Pero pag gagawa ka non, magkakaroon naman din ng congestion sa ilalim habang ginagawa ‘yon.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 29, 2019
Samantala, magugunitang ipinanukala ng mga grupo ng engineers na gawing one-way traffic na lamang ang EDSA at ang C5 road.
(Balitang Todong Lakas Interview)