Ipinatutupad ng pamahalaang lungsod ng Tagaytay ang one-way traffic re-routing scheme ngayong Semana Santa.
Ayon kay Tagaytay City Police Chief Colonel Byron Tabernilla, sinimulan ang bagong traffic scheme noong Sabado, Abril 13 at tatagal hanggang linggo ng pagkabuhay Abril 21 at umiiral mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas -8:00 ng gabi.
Aniya, lahat ng mga aakyat ng Tagaytay patungong nasugbu ay kinakailangang lumiko sa JP Rizal, lalabas ng Crossing sa Mendez sa Hagdang Bato.
Habang padadaanin naman sa Tagaytay – Nasugbu Road na kanilang ginawang one way, ang mga moristang westbound o patungong Manila.
Sinabi ni Tabernilla, sakaling maganda ang magiging feedback sa one way scheme, posibleng gawin na nilang permanente ang pagpapatupad dito.
Ngayong Semana Santa, inaasahan din ng lokal na pamahalaan ng Tagaytay ang pagdagsa ng mga turista tulad noong nakaraang Pasko na pumalo sa halos 300,000 mga local at foreign tourist.
—-