Tumaas ng higit 70% ang naitalang one-week growth rate ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon sa OCTA Research, mula sa 103 na 7-day average sa rehiyon, tumaas ito sa 176 simula Hunyo a-11 hanggang 17 na katumbas ng 71% na pagtaas.
Dahil dito, tumaas din sa 1.24 ang average daily attack rate (ADAR) sa National Capital Region.
Pumalo rin sa 1.80 ang coronavirus reproduction number o bilis ng hawaan hanggang nitong Hunyo a-14 na mas mataas sa naitalang 1.40 na naitala noong Hunyo a-7.
Sa kabila ng mga nakitang pagtaas sa COVID-19 metrics sa NCR, nananatili namang mababa ang hospital bed at ICU utilization rates.