Mahigpit na ring tututukan ng Commission on Elections (COMELEC) ang online political advertising sa kauna-unahang pagkakataon.
Kasunod na rin ito nang inisyung bagong implementing rules and regulations ng COMELEC.
Hindi naman sakop bilang online election propaganda ang laman ng online streaming o video website.
Gayundin ang mga personal opinion na nakapaloob sa blogging sites, microblogging sites, social networking sites tulad ng twitter, facebook at iba pa.
Nagtakda na rin ng maximum size ang COMELEC sa maituturing na online propaganda at ang mga papayagan lamang para sa national positions at maging sa mga tumatakbo sa local positions.
Halimbawa na lamang ang size na patalastas sa tinatawag na full banner, leaderboard square, pop-up at rectangles na sukat sa internet ay mayroon ding limitasyon.
By Judith Larino