Binuksan na ng Supreme Court ang aplikasyon para sa bar examinations na nakatakdang gawin sa Nobyembre ngayong taong ito.
Tinatawag na “Bar Plus” o Personal Login Unified System ang digital portal para sa bar exams application kung saan hindi na kailangang magtungo sa Office of the Bar Confidant sa Korte Suprema ang mga aplikante.
Ayon kay 2020/2021 Bar Exams Committee Chair at Associate Justice Marvic Leonen, maaari nang ma-access ng mga aplikante ang digital portal para sa bar exams application.
Sinabi ni Leonen na sa pamamagitan nito maaaring magsumite ng aplikasyon ang mga nais na kumuha ng pagsusulit at matatagpuan ito sa bar plus sa website ng kataas-taasang hukuman. —ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)