Nagsimula na ang tradisyunal na siyam na araw na simbang gabi kanina sa ikalawang taon ng pandemya.
Kaugnay nito, patuloy ang online na misa at binuksan rin ng mga simbahan ang kanilang pintuan sa limitadong bilang ng mga nagsisimba alinsunod sa health and safety protocols.
Sa Church of the Gesu na pinangunahan ni Fr. Francis Alvarez, ang pagdiriwang ay dinaluhan ng mga indibidwal na sumunod sa physical distancing at nakasuot rin ng facemask.
Mahigit dalawang libo naman ang dumalo sa online mass na naka-live stream sa Jesuit Residence Ateneo De Manila facebook page.
Pinangunahan naman ni Manila Archibishop Cardinal Jose Advincula ang pagdiriwang sa Manila Cathedral na naka-live stream sa Archdiocese of Manila-Official Communications page. —sa panulat ni Airiam Sancho