Aarangkada na ngayong araw ang limang-araw na online career fair na ilulunsad ng Civil Service Commission (CSC) at Jobstreet para sa mga pilipino.
Aabot sa 3,314 na trabaho sa gobyerno ang naghihintay para sa mga pinoy na nais magkaroon ng hanapbuhay.
Ang naturang programa ay bilang selebrasyon ng ika-isandaang at dalawampu’t dalawang anibersaryo ng Philippine Civil Service na tatagal hanggang Biyernes, September 23 na lalahukan ng isangdaan at tatlumpu’t isang ahensiya ng gobyerno.
Ayon kay CSC Commssioner Aileen Lizada, kabilang sa mga bakanteng posisyon ay ang revenue officer, admin officer, guidance counselor, admin aide, admin assistant, project development officer, engineer, nurse, medical specialist, medical officer, accountant, at planning officer.
May mga posisyon ding hindi na nagre-require ng civil service eligibility at entitled sa mga benepisyo ang lahat ng mag-aapply, pero kapag nasa plantilla position, ay regular na agad.
Para makapag-apply, kailangan munang may account sa jobstreet.com.
Inaasahan namang maraming pilipino ang mahihikayat na mag-apply lalo na’t nasa gitna parin ng pandemic ang bansa at mataas parin ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.