Napasok ng mga hacker ang online career portal ng Office of the Solicitor General (OSG).
Kinumpirma ito mismo ng OSG at tinukoy ang grupong nagpakilalang phantom troupe bilang nasa likod ng pangha-hack.
Ayon sa OSG, nag-upload ang mga hackers ng ilang files sa kanilang online job application system na career.osg.gov.ph upang sirain ang site.
Pinalitan anila ng mga hackers ang nakadisplay na mensahe sa kanilang website at isinulat ang mga katagang “Stop blackmailing the NTC!” at “Give ABS-CBN provisional authority”.
Sinabi ng OSG, kanilang sineseryoso ang nangyaring insidente ng pangha-hack sa kanilang website at tiniyak ang pagpapanagot sa mga responsable dito.
Dinagdagan na rin nila ang seguridad sa kanilang website habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.