Nakikipag-ugnayan na ang Department of Education (DEPED) sa mga otoridad upang imbestigahan ang napaulat na ‘online cheating’ kung saan nagbibigayan ng sagot ang mga mag-aaral.
Nadiskubre kamakailan ang isang Facebook group kung saan ginagamit umano ng mga mag-aaral upang mangalap ng sagot sa kanilang modules at iba pang activity sheets.
Mayroong mahigit 600,000 na miyembro ang “online kopyahan” community ngunit matapos itong maiulat ay mayroon na lamang itong 571,900 members.
Sinabi naman ni DEPED Secretary Leonor Briones na hindi nila kinukunsinti ang ganitong gawain at problema na talaga aniya ang kopyahan hindi lamang sa Pilipinas.—sa panulat ni Hya Ludivico