Posibleng ma-extend ng pito hanggang walong oras kada araw ang online classes sa darating na school year kasunod ng paglilipat ng pasukan sa October 5.
Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, kailangan magpatupad ng adjustment upang masunod pa rin ang itinatalaga ng batas na bilang ng araw ng klase na 200 hanggang 220 calendar days.
Kailangan aniya ito upang masigurong maipaaabot ang mga kinakailangang aralin sa mga magaaral.
Una nang itinakda sa august 24 ang pagbubukas ng klase na kinalaunan ay ipinagpaliban din upang mas mabigyan ng panahon ang paaralan at guro sa kanilang paghahanda.