Binigyan ng otorisasyon ng Department of Education ang regional directors para suspindihin ang distance learning activities sa nasasakupan nitong naapektuhan ng Bagyong Ulysses.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, maaaring suspindihin ang klase ngayong araw na ito, bukas at sa Lunes, ika-16 ng Nobyembre, para bigyan ang mga estudyante, guro at personnel ng panahong maka-recover.
Inatasan ni Briones ang regional directors na magsumite sa Office of the Secretary ng report hinggil dito.
Ilang lugar sa bansa ang nasa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 pa kasunod nang paghina ng Bagyong Ulysses habang kumikilos pa-kanlurang direksyon patungong West Philippine Sea.