Nakatakdang idaos sa Marso 11 ang first quarter ng National Simultaneous Earthquake Drill (NSED).
Ito ang inanunsyo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD), anila ang naturang drill ay muling idaraos online dahil sa banta ng pandemya.
Ganap na alas-dos ng hapon sa Marso 1 magsisimula ang drill matapos ceremional pressing of button.
Kasunod nito, hinikayat ng mga awtoridad ang publiko na kasabay ng drill gawin ang duck, cover and hold position sa kanilang tahanan o kaya’y sa kani-kanilang trabaho.