Inabisuhan naman ng Bureau of Quarantine (BOQ) ang mga biyaherong papunta ng Pilipinas na pag-aralan ang pagkuha ng online health pass.
Ang ‘one health pass’ ay ang health pass system ng bansa kung saan dapat mag-fill up ng health declaration form ang isang biyahero, Pilipino man ito o dayuhan.
Inilalagay rin sa naturang dokumento ang mga personal na impormasyon, flight details at patunay na maayos ang kanilang kondisyon sa biyahe.
Matapos nito ay makatatanggap naman sila ng QR code na ini-scan ng immigration officer pagdating ng Pilipinas.
Ayon kay BOQ Director, Dr. Roberto Salvador Junior, dapat tiyakin ng mga balik-bayan at iba pang biyahero na kumpleto ang mga detalyeng ilalagay nila sa onehealthpass upang maiwasan ang aberya.
Sa pamamagitan aniya nito ay mas magiging mabilis ang kanilang proseso pagdating sa bansa na aabutin ng kalahati hanggang isang oras.—sa panulat ni Drew Nacino