Halos 300 Pilipino ang kaagad nabigyan ng trabaho.
Ito’y ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ay kasunod nang isinagawang online job fair sa paggunita ng araw ng paggawa nitong Sabado, Mayo uno.
Ipinabatid ni Bello na 13,000 aplikante naman ang nag-qualify sa mga alok na trabaho.
Nasa mahigit 60,000 aniya ang nakiisa sa nasabing event.