Muling binuhay ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang online legal assistance program nito para tulungan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya sa pagsasampa ng illegal recruitment cases.
Sa inilabas na Memorandum Circular No. 12 ni POEA Administrator Bernard Olalia, nakasaad dito ang ilang guidelines na dapat sundin sa pagkakaloob ng libreng serbisyong legal para sa mga OFWs.
Ayon sa POEA, mahigit 620 katao na ang naserbisyuhan ng kanilang online program mula nang magkaroon ng community quarantine.