Inilunsad ng CFO o Commission on Filipino Overseas ang isang online legal service para saklolohan ang mga biktima ng human trafficking, illegal recruitment at mail to order brides.
Ayon kay Imelda Nicolas, Chairperson ng CFO, mas mapapabilis ang pagbibigay ng tulong sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) dahil sa online technology.
Nakipagsanib aniya sila ng puwersa sa isang law foundation para mapabilis ang pagbibigay ng legal assistance sa mga apektadong OFW.
By Judith Larino