Binalaan ng National Privacy Commission (NPC) ang mga online lending companies.
Kasunod na rin ito ng direktibang ipinalabas ng NPC na papayagan lamang ang online companies na kumuha ng personal data ng kanilang kliyente para gamitin kung papasa ang mga ito para makautang.
Nakasaad din sa kautusan ng npc ang pagbabawal sa pagkuha ng contact details tulad ng phone contacts at mga email list.
Una nang ipinasara ang halos 30 online lending companies dahil sa pamamahiya at pananakot sa mga kliyente nilang hindi nakakapagbayad ng utang sa tamang oras.
Modus ng mga naturang kumpanya ang pagte-text sa mga kakilala at kamag-anak ng mga nagrereklamo at ipaalam ang kanilang hindi nababayarang utang.