Ikinukunsidera ng Professional Regulation Commission (PRC) ang pagsasagawa ng online licensure exams sa susunod na taon.
Ito ay sa gitna pa rin ng nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa pagdinig ng senado sa panukalang 2021 budget ng Department of Labor and Employment (DOLE), sinabi ni PRC Chairman Teofilo Pilando Jr. na pinag-aaralan at pinaghahandaan na nila ang pagkakaroon ng technology-based examination.
Ayon kay Pilando, posibleng subukan at simulan nila ito sa mas maliliit na mga board exams para mas madali rin itong pangasiwaan.
Una nang pinagpaliban ng PRC ang mga nakatakdang licensure exams ngayong Oktubre hanggang Disyembre para maiwasan ang pagtitipon-tipon ng maraming tao at inilipat sa susunod na taon.
Isa ang PRC sa mga attached agency ng DOLE.