Pinaalalahanan ng simbahang katolika ang mga mananampalataya, lalo ang mga bibisita sa kanilang yumaong kaanak sa sementeryo at kolumbaryo na maaari pa rin mag-alay ng dasal at mass intentions on-line.
Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines, maaaring ma-access ng publiko ang kanilang online feature sa kanilang website.
Sa mga nais mag-alay ng panalangin at misa, maaaring i-access ang cbcpnews dot net.
Bukod kasi sa mga local government unit, pangunahing abala rin ang simbahang katolika sa paggunita sa todos los santos at araw ng mga patay sa bansa.