Itinakda na sa Hunyo 25 ang online oath taking ng mga bagong abogado ng bansa.
Inanunsyon ng Public Information Office ng Korte Suprema ang pag apruba sa resolusyon para payagan ang panunumpa sa pamamagitan ng online video conference ng mga bagong abogado at ili link na lamang ito sa government TV station para maisapubliko.
Inatasang mangasiwa sa nasabing online oath taking ng mga bagong abogado ang Office of the Bar confidant sa ilalim ni Senior Associate Justice Estela Perlas-Bernabe, ang chair ng 2019 bar examinations.
Magugunitang nasa 2,103 ang nakapasa sa 2019 bar exams o nasa mahigit 27% lamang ng mahigit 7,000 examinees.