Nangangalap na ng suporta ng mga pulis ang isang grupo ng simbahang Katolika kaugnay sa proyekto nitong community based drug rehab project.
Sa gitna na rin ito nang dumaraming kaso nang pagpaslang sa mga drug suspect sa ilalim ng war on drugs ng gobyerno.
Ang nasabing online petition campaign ay inilunsad ng grupong The Lost Sheep Initiative na kinabibilangan ng CEFAM o Center for Family Ministries at Bishops Businessmen’s Conference for Human Development.
Ayon kay Father Ted Gonzales ng CEFAM naniniwala silang hindi lahat ng mga pulis ay sangkot sa pagpaslang o sa mga kaso ng extra judicial killings kaugnay sa war on drugs ng gobyernong Duterte.
Ang naturang hakbang aniya ay bilang pagpapatunay na mahalaga ang intervention at rehabilitation sa mga drug dependents at pushers para sa kanilang pagbabago at maging kapaki pakinabang na mamamayan ng lipunan.
Unang lumagda sa petisyon si Police Chief Inspector Byron Allatog ng Bogo City, Cebu kabilang ang 50 pulis mula sa Quezon City, Maynila, Caloocan at Mindanao.
By: Judith Larino
SMW: RPE