Muling kumalat sa Social Media ang isang online petition na nananawagan para sa pagsibak kay Assistant Secretary Esther Margaux “Mocha” Uson mula sa Presidential Communications Operations Office.
Sa petisyon ng Change Dot Org, umapela si Kremlin Pandaan sa mga netizen ng 50,000 lagda para sa pagpapatalsik kay Uson bilang Assistant Secretary for Social Media.
Nakasaad din sa petisyon na i-de-deliver ito kay Pangulong Rodrigo Duterte at PCOO Secretary Martin Andanar sa oras na makumpleto ang 50,000 lagda.
Iginiit ni Pandaan na maka-ilang beses ng naghatid ng mga pekeng balita si Uson kahit noon pang nangangampanya para sa pagka-Pangulo si Duterte.
SMW: RPE