Kumakalat na ngayon sa social media ang isang online petition na inihain sa website na change.org.
Ito’y makaraang hilingin ng political activist na si Carlos Celdran ang pagbibitiw ni incoming President Rodrigo Duterte kahit hindi pa ito pormal na nauupo sa Malacañang.
Nakasaad sa petisyon ni Celdran, pinatunayan ni Duterte na hindi ito karapat-dapat na maging pangulo ng bansa at pamunuan ang may 100 milyong mga Pilipino.
Binigyang katuwiran ni Celdran ang kanyang hiling sa ilang mga pasya at hakbang ni Duterte sa sandaling manungkulan na ito tulad ng paglilibing kay dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani at pagiging bukas sa pakikipag-usap sa China.
Gayundin ang pagtatalaga kay incoming Sec. Mark Villar sa DPWH, pang-iinsulto sa Singapore, Australia, United Nations at maging sa Santo Papa.
Ngunit tinapatan naman ito ng isa pang online petition ng nagpakilalang Obua San na nananawagan naman sa change.org na tanggalin ang petisyon ni Celdran.
By Jaymark Dagala