NAKIKITA ni Sen. Mark Villar ang pangangailangang magkaroon ng mga hakbang laban sa online piracy.
Sa isinagawang budget deliberations ng Optical Media Board (OMB) nitong Martes, binigyang-diin ni Villar na karamihan sa illegal activities na may kinalaman sa piracy ay isinasagawa ngayon online.
Aniya, ang technological means para sa piracy ay nag-evolve sa paglipas ng mga taon, at kailangan ang crackdown laban sa online pirates.
“Wala nang niri-raid kasi lahat nasa online na halos,” wika ni Villar.
Nabatid na ang saklaw lamang ng OMB ay ang physical piracy at hindi kasama ang online content.
Sinasabing sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay walang legislative mandate upang harangin ang mga site na may pirated content.
Bunga nito, ang Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), National Telecommunications Commission (NTC), at internet service providers ay nagsasanib-pwersa lamang upang magpatupad ng stopgap measures para harangin ang mga site na may pirated content.
Kasalukuyang nakahain sa Senado ang dalawang magkahiwalay na bills — Senate Bills 2150 at 2385 na naglalayong amyendahan ang IP code at alisin ang umiiral na limitasyon nito upang saklawin ang electronic at online content “within the definition of pirated goods.”
Matatandaang sinabi rin ni Villar na ang pagpasa sa mga bills na ito ang reresolba sa mga isyu ng online piracy sa sandaling maisabatas ang mga ito.
Una nang pinamunuan ni Villar ang Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship at maging ang public hearings sa dalawang nasabing bills.
Sa ngayon, ang komite ay pinamumunuan ni Sen. Alan Peter Cayetano.
Kung maaalala, noong 2022, ang Pilipinas ay nawalan ng $700 million dahil sa piracy ng Filipino-made TV shows at movies, kung saan ang bansa ay tinukoy bilang isa sa top consumers ng pirated content sa Asia, ayon sa YouGov 2022 Piracy Landscape Survey.
Samantala, sa pagtaya ni IPOPHL Director General Rowel S. Barba, ang Pilipinas ay mawawalan ng $1 billion na kita sa 2027 kapag nagpatuloy ang mga alalahanin hinggil sa online piracy.
Babala naman ng Philippine Statistics Authority (PSA), kinukuha ng piracy ang 7.1 percent ng gross domestic product ng bansa.
Natuklasan na nagreresulta ito sa pagkawala ng kita para sa bansa at ng kabuhayan, at forgone revenue for the country and loss of livelihood, at nagbabanta rin itong mag-inflict ng malware sa mga device na gumagamit ng pirated content, na maaaring magbigay-daan sa scams.