Nakatakdang gamitin muli ng COMELEC ang online precinct finder simula Enero 2022 dapat na buwan bago ang May 9 elections.
Ito ang inihayag ni COMELEC Information Technology Department Director Jeannie Flororita sa Senate Finance Committee hearing sa kanilang 2022 proposed budget, kahapon.
Ayon kay Flororita, magiging available lamang ang online precinct finder sa oras na isapinal ang listahan o database ng mga botante sa Disyembre.
Itinuturo ng precinct finder kung saan dapat magtungo ang mga botante sa araw ng halalan sa pamamagitan ng pag-encode sa kanilang personal na impormasyon.
Magugunita noong 2016 ay nagkaroon ng malawakang data breach ang precinct finder web app at sinasabing na-kompromiso ang voter database at ilan pang internal database ng poll body.
Tiniyak naman ng COMELEC na inatasan na nila ang mga local election officer na kumpletuhin na ang bilang ng mga presinto at voting center na kailangan upang tanggapin ang lahat ng rehistradong botante.—sa panulat ni Drew Nacino