Inihayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na akmang paraan para sa pagpaparehistro ng sim card ang pag-aapply dito online.
Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, mas mahihirapan ang publiko kung magiging pisikal ang rehistrasyon dahil posibleng dumagsa ang mga tao sa registration sites.
Sa online registration process, ipapasa ang mga verifiable documents tulad ng passport, driver’s license, SSS, GSIS o PhilHealth cards.
Nasa 144 hanggang 150 – M prepared cards ang ipapalabas ng DICT.
Noong Lunes, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang Republic Act 11934 o ang Sim Registration Act na layong i-require ang lahat ng public telecommunications entities o direct sellers na humingi ng valid ids at larawan sa mga sim cards users.