Inapela ni House Ways and Means Chair Joey Sarte Salceda sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na payagan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na mag-apply ng kanilang Tax Identification Numbers (TINs) online.
Ayon kay Salceda isa sa pinaka pangunahing hakbang upang matiyak na makapagbayad ng buwis ang taong bayan ay ang pagpaparehistro para sa TIN ID.
Isa aniya sa hadlang kung bakit hindi agarang nakapagpaparehistro ang mga OFWs ng kanilang TINs ay dahil sa kailangan ang personnal appearance gayong ang mga ito ay nasa abroad.
Giit ng mambabatas, ang mga OFW ang aniya’y ‘ sleeping giant’ na mga investors sa bansa kaya;t dapat itong payagang makapagparehistro ng TIN online. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)