Uubra nang makapagparehistro online simula sa Biyernes, ika-30 ng Abril para sa National Identification System.
Kasunod na rin ito ayon kay NEDA Director General Karl Kendrick Chua nang paglulunsad nila sa katapusan ng buwan sa online system na kokolekta sa demographic data ng mga magpapalista sa national ID.
Subalit nilinaw ni Chua na kailangan pa ring magtungo ng mga aplikante sa registration centers para makunan ng biometrics pati na rin sa pagbubukas ng kanilang bank accounts.
Naniniwala si Chua na mapapakinabangan ang national ID system upang mapabilis ang vaccination program pati na rin ang paghahatid ng tulong pinansyal sa kasagsagan ng lockdown gayundin ay makatulong sa low income families na makapagbukas ng kanilang bank accounts.