Pansamantalang ipinatigil ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang kanilang online registration sa pagpapaturok ng COVID-19 vaccines.
Ito’y matapos tumaas ang bilang ng mga nagpaparehistro mula ng ianunsiyo ang pagbubukas ng vaccination para sa mga nasa A4 category.
Ayon sa Quezon City government, nagkaroon rin ng matinding heavy traffic ang kanilang websites.
Dahil dito, hindi pa tukoy ng lungsod kung kailan muling maibabalik ang kanilang online registration.
Samantala, tiniyak ng QC government na agad nilang iaanunsiyo kapag naibalik na sa normal ang kanilang website.