Sinimulan na ng lungsod ng Parañaque ang pagsasagawa ng online pre-registration para sa mga residente na gustong makatanggap ng libreng bakuna laban kontra COVID-19.
Naglabas ng QR code ang lokal na pamahalaan kung saan ang kailangan lamang ay i-scan ang naturang QR code at mag-register.
Samantala magugunitang, naglaan ng P250,000 pondo ang lokal na pamahalaan ng Parañaque para sa vaccination program ng lungsod.
Lumagda na rin sila ng kasunduan sa AstraZeneca noong ika-11 ng Enero para makabili ng 200,000 doses ng bakuna.
COVID-19 VACCINE PRE-REGISTRATION/SCREENING
The Parañaque City Government headed by Mayor Edwin L. Olivarez, thru the…
Posted by Mayor Edwin Olivarez on Monday, 18 January 2021