Uubra nang ireklamo online ang mga pasaway na traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon ito kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes matapos nilang ilunsad ang online complaint form para sa mga driver na nais ireklamo ang mga tiwaling tauhan ng ahensya.
Sinabi ni Artes na ipinag-utos na niyang sa loob lamang ng 72 oras ay kailangang maresolba ng kanilang traffic adjudication division ang isang reklamo matapos matanggap ang mismong reklamo na mayruong pangalan at ticket number.
Maaari aniyang maghain ng reklamo sa http://bit.ly/3j62yhh.