Timbog ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police o PNP at ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP – NCR) ang isang online scammer sa Quezon City.
Kinilala ng PNP Anti-Cybercrime Division ng Southern Police District (SPD) ang suspek na si Federico Acosta.
Naaresto si Acosta sa ikinasang entrapment operation ng Pulisya at BJMP sa Luzon Ave. Old Balara sa nasabing lungsod.
Nabatid na sangkot itong si Acosta sa identity theft nang magpanggap ito bilang si Parañaque Jail Warden J/Supt. Richard Kho kung saan ay pinapangakuan nito ang pamilya ng mga inmate na palalayain kapalit ang ibibigay niyang halaga.
LOOK: Online scammer na nagpanggap na Jail Warden ng Parañaque, arestado sa entrapment operations ng Pulisya at BJMP sa QC | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/QgZM0vyHxE
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 11, 2021
Kasalukuyan nang hawak ng Pulisya ang suspek at nahaharap sa mga kasong computer related identity theft, swindling at estafa sa bisa ng warrant of arrest. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)