Binalaan ng LTO ang netizen kaugnay sa naglipanang fixer at scammer sa Facebook.
Ibinunyag ng LTO sa publiko ang nagpapanggap na Facebook page ng ahensya na LTO license assistance center na naniningil umano ng 3, 500 hanggang 6, 500 pesos para i-proseso ang driver’s license na non-appearance at non taking.
Ayon sa LTO posibleng magamit ang mga pribadong impormasyon na ibibigay sa mga fixer sa identity theft at counterfeit at invalid ang mga lisensyang makukuha sa labas ng kanilang opisina.