Tinutugis na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang online scammers na humihingi ng pera para umano sa pagpapagamot ni Luis Antonio Cardinal Tagle.
Kasunod na rin ito nang personal na pagtungo sa NBI Anti-Cyber Crime Office ng pinsan ni Tagle na si Ramon Ramos para i-report ang scammers gamit ang Facebook messenger nito.
Ayon kay Ramos, maaaring nakakuha na ang mga suspek ng malaking halaga ng pera mula sa mga naniwala sa kanilang raket.
Sinabi naman ni NBI Anti-Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo na maaaring may na-click na link si Ramos kaya’t nakontrol ng scammers ang messenger nito.
Si Tagle ay nasa Roma ngayon matapos italaga ni Pope Francis bilang Prefect of the Congregation for Evangelization of People.