Nangunguna ang mga online scams sa mga cybercrime violations na naitala ng Department of Justice (DOJ) sa panahon ng quarantine.
Ayon kay Justice Usec. Markk Parete, kabilang sa mga ito ang phishing o pagpapadala ng email na kunwari ay nagmula sa isang kumpanya upang makakuha ng password at account ng isang tao scam sa online selling at fake news.
Walang ibinigay na datos ang DOJ kung ilang kaso na ang kanilang naitala sa tatlong cybercrimes subalit inaasahan na anila ito dahil nakatutok sa internet ang mga tao sa panahon ng quarantine.
Samantala, mula naman March 1 hanggang 24, nakapagtala ng mahigit sa 200 porsyentong pagtaas o mahigit sa dalawandaang libong kaso ng online sexual exploitation of children (OSEC) ang DOJ.