Nagbabala ang Department of Health (DOH) at Department of Trade Industry (DTI) sa mga nagbebenta ng mga gamot o food supplement online.
Ayon sa DTI, kinakailangan mismo ang pisikal na tindahan at lisensyado ang sinomang online seller na magbebenta ng gamot.
Bukod pa rito, kailangan din ang certificate of medical device notification, certificate of product registration, at license to operate batay sa kautusang inilabas ng Food and Drug Administration(FDA).
Samantala, ayon naman sa DOH, bago makakuha ng lisensya upang makapagbenta ng gamot ay dapat na may trained pharmacist ang isang botika para alam nila ang tamang ibibigay na gamot at payo sa pasyente.
Kaugnay nito, posibleng magmulta ng aabot sa P5,000 hanggang P2 milyong o makulong mula lima hanggang 15 taon ang sinomang magbebenta ng gamot at food supplement online ng walang permit.
Matatandaang, sa kasagsagan ng pandemya mula noong nakaraang taon naging patok ang online selling ng iba’t ibang produkto upang maiwasan na rin ang paglabas sa mga bahay at maiwasan ang hawaan at paglaganap ng COVID-19.