Arestado sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad ang dalawa katao dahil sa pagho-hoard at pagbebenta ng mababang kalidad na rubbing alcohol sa Caloocan City.
Pangunahing pangangailangan ngayon ang rubbing alchol dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Bulto-bultong ibinibenta umano ng isa sa mga suspek ang mga alcohol online.
Umamin din ang suspek sa pulisya kaugnay sa kanyang supplier na aktong nahulihan ng kahong-kahong alcohol products.
Ibinebenta umano nito ang mga alkohol sa halagang P140 kada bote.
Samantala, napag-alaman naman ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang ethyl alcohol na ibinebenta ng mga suspek ay sub-standard o low quality at hindi nakapagbibigay proteksyon sa mga gagamit laban sa COVID-19.